Wednesday, March 31, 2010
Alak sa gabi ng Ligaya

Namulat ako sa mundo ng kabaklaan simula ng ako ay nag aral ng kolehiyo dito sa Davao. Marami akong naging kaibigan na mga bakla sa subdivision namin, mga baklang naging kaagapay ko sa maraming mga kalokohan, kasiyahan, kamunduhan( minsan ) at tunay na pagkakaibigan. At dahil sa kanila, napatunayan kong hindi lahat ng bakla eh nabubuhay sa laman ng mga kalalakihan. Tao rin pala silang nais lamang hanapin ang sariling lugar at kaligayahan dito sa mundong puno ng pagsubok at kalungkutan.
Mahirap maging bakla sapagkat hindi lahat ng tao ay tanggap ang katangiang taglay namin, kahit nga mga magulang ng bakla ay nahihirapang pakitonguhan ang sariling anak na bakla sa mga iilang pamilya na merong anak na bakla. Nakikita ng iba na salut kami at maraming ibang tao na hayagan ang deskriminasyon pero pag gabi eh hayagan din ang pagakagustong gamitin ang bakla sa kamunduhan nila.
At dahil sa katayuan ng mga bakla sa kumunidad eh maraming bakla ang nagsikap na magkaroon ng puwang sa pamamagitan ng pagiging magaling sa larangang kanila pinag aralan at sila ay naging simbolo na kaming mga bakla eh merong mga katangiang maipagmamalaki at magagamit sa ikabubuti ng lahat. At dahil sa tagumpay naming maipakita ang kahalagahan namin bilang tao sa araw araw, kami ay nagdidiriwang sa pamamagitan ng pagsalo salo, me kainan, tawanan at inuman pag sapit ng dilim. Ganito ang mga bakla magdiwang, ganito ang mundo na kinabibilangan ng mga Mujer, Ang mundo ng panandaliang aliw pero panghabang buhay na alaala kasama ang mga kaibigang kaagapay sa buhay.
Simply lang ang kaligayahan ng mga bakla, magkaroon lang ng pagkakataon na magkatipon tipon ang magkakatropa at magkaroon ng konting alak at pulutan eh sobrang kaligayahan na ang maidudulot sa bawat isa. Hindi kasi sa inuman ang sentro ng pagtitipon kundi sa mga napagdaanang pangyayari ng bawat isa ang pinag uusapan. Masaya ang mga kuwento ng mga bakla, Kung hahayaan mo ang sarili mong maki join sa tropa ng mga bakla, malalaman mong masaya ang bawat kuwento ng bawat isa. Hindi mo maiisipang umalis sa usapan, tumingin sa oras or antukin kasi mawawala ang lungkot or problema mo pag kasali ka sa umpok nila. Masasaya kasi ang mga kuwento, mga kuwentong karanasan sa lalaki, sa trabaho, sa pamilya, sa barkada or sa sex. Ang malaswa na usapan ay magiging katatawanan at ang malungkot na pangyayari ay nagiging katuwaan. Walang papantay sa kasiyahang naidudulot ng mga bakla sa buhay ng bawat isa sa kanila. Hindi mo tuloy aakalaing sa bawat ngisi ng bibig nila, sa bawat masayang sandali na meron sila at sa bawat yugto ng masasayang kuwentuhan nila ay may mga suliranin silang dinadala.
Oo, me mga suliranin kaming dinadala kaya pilit naming pinapasaya ang mga sarili namin sa pamamagitan ng pakikipaghalobilo sa isat isa. Hindi man kami magkatulad ng suliranin pero mabigat lahat sa dibdib namin iyon. Ang mga suliraning aming pinapasan ay siyang puno't dulo ng aming lakas para patuloy na mabuhay at maging masaya.
Ugali ng bakla ang humarot, lumandi at umingay, lasing man o hindi. Humaharot ang bakla kasi iyan ay dala ng pagkataong di maihayag ng lubusan sapagkat may tinatagong kahinaan. Lumalandi ang bakla dahil sa kagustuhang mapansin ng mga taong aming pinag uukulan ng pambihirang pagmamahal at umiingay ang mga bakla dahil sa kagustuhang itaboy o iwaglit sa buong pagkatao ang lahat ng problema o kaguluhang bumabagabag sa puso at isipan. Mahirap mang intindihin, mahirap mang paniwalaan at mahirap mang tanggapin ang mga ginagawa ng mga bakla, pero dapat sanang unawain, kilalanin at usisain bago husgahan.Kasalanan man maituturing ang maging malandi, maingay o maharut pero wala ng mas papantay pa sa pagiging makasalanan kung ikaw ay mapanghusga.
Ang nag-iisang kasama ng mga bakla sa lahat ng kasiyahan ay wala iba kundi ALAK. Alak na nagbibigay buhay sa bawat usapan, nagbibigay saya sa bawat tawanan, nagbibigay lakas sa bawat isa, nagbibigay kapayapaan sa kaloobang ginugulo ng mga alalahanin at Alak na tumutulong sa kapayapaan ng tulog sa gitna ng pagod at pag-iisa.
Hindi lahat ng bakla ay pare-pareho, hindi lahat ng bakla ay umiinom, hindi lahat ng bakla ay maingay, maharot at malandi, Hindi lahat ng bakla ay halata, hindi lahat ng bakla ay mabait, hindi lahat ng bakla ay mayaman at hindi lahat ng bakla ay may angking karunungan, kagandahan, katapatan, kahusayan at karapatang maging totoo sa sarili. Pero lahat ng bakla ay may isang katangian na pareho, at iyon ay ang pagiging tapat sa taong kanilang minamahal. Ang bakla, lasing man o hindi, pag-nagmahal, sa kaibigan man, sa pamilya man, sa boyfriend man, sa kahit kanino o sa kahit ano, ay siguradong tapat at totoo.
At pag nabigo sa kahit naanong bagay ay di magagawang manakit ng kapwa tao dahil babae ang lakas at babae ang nararamdaman. Babalik at babalik ang usapan sa salo-salo kasama ang tropa, me kainan at me lasingan kasama ang ALAK na siyang nagbibigay ng ligaya sa gabi.
Tuesday, March 30, 2010
The Irony of Nursing After Grad.

I never thought that I will be a victim of my own dreams. I took up BS Nursing after graduating from High school in 2002 equipped with so much love and passion to that course. When I was a kid, I was really amazed by my mothers work, being a Nurse in the health Center in a small town in the south of Davao Del Sur where I grew up and finish my Prep. School until High School. Watching her while she does so many things with the patients who came in for treatments and check-ups makes me love the profession so I decided to be like my mother there and then.
I was so excited when I finally passed the entrance exam of the most prestigious nursing school here in Davao, to think that we are three from my High School classmate who took the exam, our First Honorable mention along with our best in Math classmate, But I was the only one who passed the entrance exam of that College of Nursing.
I am full of hope that it will be easy for me to surpass all the challenges of the Profession that I'm studying and I did when I Graduated Nursing. With so much confidence and motivation, equipped with enough knowledge, I took my first Board Exam in nursing, Although I became agitated by the time I saw the questions in the test paper, i prayed that I will be given wisdom as I answer the Board Exam. With sweats dripping in my palms( surprisingly co'z i don't have palms sweats ) I continue answering with increasing agitation as the day went on. I never though I will cry because of an exam. I really never picture out myself one day that my confidence and hopes will fly away from me in the time that I really need it. I went to San Pedro Church, Cried hard and Pray, and afterwards went hope with so much confusion and later on I realized that I lost my cellphone along the way home.
As the days went on, With my friends and foes confidently awaits for the result after two months, I am at the same time agitatedly and confusingly stayed home, trying to act naturally and hopingly awaits for my final verdict.
I thought I died as I recieved a text that my name is not in the list of passers. I undergo DABDA ( Denial, Anger, Bargaining, Depression then Acceptance ). I did ask myself, what lacks in me that My friends and foes have that made them pass the Board exam? Is the Board Exam a justification of how well a Nurse can be when they work in the Hospital? Is the exam a concrete proof that it is the best measurement of the Nurse knowledge on Nursing? or it is just a scam that will hinder a person like me who have the passion for nursing to completely fulfill a dream since childhood eventhough I pass the 4 years of combating the Nursing Education.
I don't want to be crying over spilled Milk, I shouldn't be writing this in my blog as well, But I can't help myself co'z my parents spend too much for my studies ( Nursing is so Prestige in price ), My parents spend Thousands in my reviews.
I will be taking my 2nd Board Exam again, trying my "LUCK" again. They say it's all in the LUCK. What can I do? Well, try harder in the reviews, prepare myself for a battle, and hope for the best. Pay thousands again for the review and focus on one career Path. Why I said one career path? Yes, Nursing Graduates can only hope towork in a Hospital these days, that's the Irony again that we are facing aside from PNLE. No Company from other fields will take risk on hiring a Nurse in their company. No versatility, no other options for work, no other functions but only as a nurse in a institute for the sick.
Subscribe to:
Posts (Atom)










