Followers

Follow Me On:

http://twitter.com/John24Chan And http://naturalbeautyfanatic.forumsmotions.com/forum.htm

Democracy is the theory that the common people know what they want and deserve to get it good and hard.

Think About It

Think About It

Sunday, April 18, 2010

Anong Buhay Meron Ka?

Napapaisip ka na ba kung anong buhay meron ka? Habang nakaharap ka sa TV at nakikita mo ang mga ibat ibang tao na me ginagawa na ibat ibang gawain na nagpapasaya sa kanilang mga sarili at nagkakaroon ka ba ng mga katanungan kung paano sila nakakarating sa mga buhay na meron sila sa kasalukuyan? Ikaw ba ay alam na kung saan ka patutungo habang nakaupo ka lang at nakaharap sa TV o sa computer?

Minsan sa mga buhay buhay natin, nagkakaroon tayo ng pagkakataong mag isip ng ating kasalukuyang sitwasyon, Kumbaga, nababagot rin tayo sa mga buhay na meron tayo at napapaisip tayong magkaroon ng buhay na malayo sa buhay na meron tayo sa kasalukuyan minsan nga eh parang gusto na nating maging atin ang buhay ng ibang tao.

Paano kaya? yan ang katanungan na biglang gumugiit sa isipan natin kapagdaka ay me kasunod ng mga katanungan na lumalabas sa mga isip natin. Parang nagkakaroon tayo ng mundo na tayo ang  gumagawa ng lahat, sa pamamaraang gusto natin.

Ano mang buhay meron tayo, ano mang buhay ang gusto natin, sana ay wag nating kalimutang gawing makakatotohanan ang lahat. Wag makontentong tumira sa mundo na ginawa natin sa isip. Gumalaw tayo at abutin ang gusto sa buhay at gawing makatotohanan ang lahat.

No comments:

Post a Comment