Followers

Follow Me On:

http://twitter.com/John24Chan And http://naturalbeautyfanatic.forumsmotions.com/forum.htm

Democracy is the theory that the common people know what they want and deserve to get it good and hard.

Think About It

Think About It

Thursday, April 1, 2010

Unang Sibol ng Pag-Ibig

Halos lahat ng tao sa probinsiya ko ay magkakakilala, sa liit ba naman kasi ng bayan namin eh malalaman mo agad na taga ibayong bayan ang mga taong nakikita mo sa daan na di mo kilala. Lahat halos ng magkakapitbahay ay magkakaopisina lang sa Munisipyo, mag Co-Teachers sa paaralan o magkatunggali sa negosyo. Ano pa nga bang aasahan pag ganyan kaliit ang mundong ginagalawan mo? 

Kilala ko halos ang mga batang nakakasalamuha ko simula pagkabata hanggang pagka Graduate ng High School kasi kami kami lang din ang magkaklase simula Prep. hanggang High School noh! jejejejejje...At dahil sa ganitong kalakaran sa aming Bayan eh di ko akalaing mararanasan ko ang unang pagmamahal. Pagmamahal na di ko napaghandaan at di ko inaasahan.

Kaklase ko na si RJ mula Prep. School pero di ko siya kalaro at di ko siya kaibigan, ewan bah, iniisip ko rin kong bakit wala akong maalala na mga pangyayaring naging kalaro ko siya o kahit man lang kausap, siguro kasi di rin close ang mga magulang namin at siguro kasi masyado akong abala sa mga kaibigan ko, ang dami ko kasing adventures nung bata pa ako. Nagawa ko ng tumalon talon sa malalim na parte ng dagat habang sakay ng nakadaong na sasakyang pangisda tuwing naliligo kami ng dagat. Nakaakyat na rin ako sa mga bundok na nakapalibot sa bayan namin ng di alam ng mga magulang ko kasama ang mga katutubong bata sa lugar namin dahil sa paghahanap ng gagambang nilalaro sa stick o dahil kumukuha ng fresh buko para sa buko salad. Nahibang din ako sa pagbabasa ng precious pocketbooks at aliw na aliw akong basahin yun habang nasa taas ng punong bayabas, kumakain ng bayabas habang nagbabasa o nagdadala ng mga hinog na papaya, lutong saging na me bagoong at sinugbang isda sa baybayin kasama ang tropa kong babae tuwing hapon at dun kami nagbababad sa pagbabasa ng pocketbook hanggang mawala ang init ng araw at maliligo sa dagat. Marami pa kaming pinaggagawa ng tropa ko tuwing walang pasok o pagkatapos ng klase. Sobrang hyper ko siguro kung kaya di ko man lang napaglaanan ng panahong isipin na magmamahal din pala ako at dapat ko din palang tingnan ang mga taong naging kasa-kasama ko na hanggang sa paglaki kagaya ni RJ.

Anak si RJ ng maykayang pamilya sa lugar namin, may ari ng malaking tindahan, malawak na Koprasan           ( coconut plantation ) at kabilang sa malaking clan sa aming bayan. Gwapo siya, talented, mabait, maalalahanin, mapagmahal, smart, maputi, matangkad at di pa kasali ang pagiging 4 years crush ng campus siya ng mag highschool kami, battalion Comander pa sa CAT. Dream Boy talaga siya para sa halos lahat ng Chikays sa lugar namin, kahit nga taga ibang school eh sa kanya nagkakagusto, kainis..jejejejeje 

Nagsimula ang lahat ng kaguluhan ( actually, pagmamahal ko sa kanya ) sa kaarawan ng pinsan kong si Jeany, second year high school na kami at ang pinsan ko ay first year palang. Dahil nga magkaiba ng year level, nagkaroon ng pagtipon tipon ng mga kaibigan from different year levels. Akalain mo bang sa gabi ding iyon sa loob pa mismo ng party ay nagkaroon ng mga unang ligawan sa mga buhay namin.( Di ako kasali sa nanligaw syempre ). Nililigawan ni RJ ang kaklase ng pinsan ko na gifted din sa kagandahan, majorette sa school namin at talaga namang merong maipagmamalaking ganda na wala ako at ang mga friends ko. At akalain mo bang nakikisali din ako sa pagtutulak sa kanilang dalawa na maging mag on sila, akalain mo? jejejejeje...Siguro na excite lang ako that time, or kinilig ako sa kanila. Nang gabi ring iyon ang unang titig ko sa mukha ni RJ at di ko akalaing gwapo pala talaga siya. Chinito na cute na pogi, ayyy ewan ko nalang. 

Tulak ako ng tulak kay RJ na puntahan nya yung girl na ang pangalan ay April, at dahil isa ako sa pinakamakulit that time, nainis siya sakin bigla at nasigawan nya ako, Oo sister, nasigawan nya ako ( ang laki ng shock ko ) at ang punch line nya eh "bakit ka ba nangingialam?"...Ouch... Oo nga naman, bakit ba ako sali ng sali sa kanila eh di ko naman sila friends. Buti nalang at sinundo na ako pauwi, atleast na escape ko ang confrontation namin. Pero nung nasa bahay na ako, nakahiga at nagpapaantok, lagi ko nalang naiisip ang mukha nya, di mawaglit waglit sa isipan ko ang ngiti nya, ang boses nya ay parang naririnig ko pa rin ( hallucination na ba to?). Di ako mapakali sa higaan ko kasi worried na worried ako kung naging sila na ba nung girl, bakit ako natatakot na maging sila, bakit gusto ko siyang makita ulit sigurohing nakauwi siya ng maayos, ano na bang nangyayari sakin? yan ang mga gumugulo sa isipan ko kaya tumakas ako sa bahay, kahit madilim nah, kahit ang taas ng bakod namin, kinaya kong akyatin at talunin dahil sa pangugulo nya sa isip at damdamin ko. Bumalik ako sa party pero wala na sila, hinatid daw nya yung girl according to my pinsan. Lumong lumo akong umuwi, umakyat sa bakod at pumasok sa bahay. I told myself, i hate you RJ, di kita papansinin forever. 

Di ko alam kung napapano ako, bakit ba siya ang laging iniisip ko, bakit ang gulo ng damdamin ko ng dahil sa kanya. Nagising ako kinabukasan na walang kasiguruhan ang nararamdaman. Pagpasok ko sa school, siya agad ang unang namataan ko, kasama nya tropa nya sa labas ng room namin, nagkakasayahan sila at syempre, madadaan ko sila pag pasok ko sa room. Biglang tumalon ang puso ko pagkakita o sa kanya, shocking ang reaction paper ng puso ko ha in fairness, kaloka, di ko alam kong anong gagawin, papasok ba ako o hindi? yan ang mga katanungang gumugiit sa isip ko. But I have no choice, kelangan pumasok ako kaya I acted normally, yoko ang ulong dumaan ako sa umpok nila pero napansin nya ako and He greeted me good morning, shitttt....ang sarap sa pakiramdam, nakakakiliti jejejeje...pero iba ang naging reaksyon ng katawan ko. Biglang galit ako sa kanya sabay irap at sabing "Shut up". Shock siya pati tropa niya sa sinabi. Pero mas naging shock ako sa nagawa ko. Takbo ako agad sa chair ko ay yoko ulong nagsisi. Di ako makatingin sa kanya, kahit sa mga tropa nya ay nahiya ako. bakit ba ako biglang nagalit sa kanya? hay naku, ewan, ang alam ko lang eh napikon ako bigla. 

Dumaan ang buong araw na normal naman, pero iba na ang damdamin ko, nahahalina akong tingnan si RJ ng palihim parati. Tinitingnan ko siya habang nasa malayo siya, lahat ng galaw nya, sa facial expressions, sa ngiti, sa lakad, sa tayo, ang katawan nya ay gustong gusto kong tingnan pero kung kinakausap nya ako ay nagagait ako, kahit nga lalapit pa lang siya lumalayo ako at inis na inis ang feeling ko sa kanya. Siguro di na niya natiis ang mga pagbabagong trato ko sa kanya kaya isang hapon, pagkatapos ng last subject namin ay nilapitan nya ako, Syempre inis pa rin ako pero di ako makaiwas kasi di ako makagalaw, naging statwa na ata ako that time, nararamdaman kong me pagtatampo sa boses niya ng tanungin niya ako kung me nagawa ba siyang kasalanan sakin, ako naman na gago eh sinagot siya ng paangil na wala pero inis ako sa kanya at ayaw ko siyang kausapin sabay walk out.( in fairness naka walk out ako ).

That was it, we never spoke with each other from that on, wala nah, kontento na akong panoorin siya habang di niya ako nakikita pero alam kong alam nya na tinitingnan ko siya kasi palagi niya akong nahuhuli sa akto. My closest friends were girls, sila yung mga de kaliber na mga babae sa campos namin, Apple is running for a Valedictorian while Matet is fighting for a salutatorian along with RJ, diba magkakalevel lang sila? wala akong panama syempre pero I got in sa tropa because we never though that there's a competition in the academics. Nung di ko na nakayang dalhin ang paninibughong nararamdaman ko, I got so confused and troubled sa nararamdaman ko kay RJ at sa naging sitwasyon namin na di na magkaibigan dahil sa kagagawan ko. I confided with my friends. Ang galing ng mga advices, at naniwala naman ako sa kanila pero I found out na me mga gusto rin pala sila kay RJ pero di nila sinasabi sakin, naging tanga ako dahil sa mga advices nila na gumawa ako ng letter for RJ, isulat ko raw ang apology ko and my friend gave it to RJ pero ang friend ko rin ang bumasa sa harapan ni RJ at ng tropa nya along with the girl na naging syota na pala ni RJ without me knowing it. Grabeh ang hiya ko that time kasi pinagtatawanan nila ako at kumalat agad sa buong campus ang incident na iyon. 

Isang advice pa nila na I should cook something for RJ para daw mas effect ang apology, ako naman eh super luto ng minatamis na hindi ko alam kong pano gawin kaya yung friends ko pa rin ang mentor ko, Imagine, ang minatamis pinalagyan nila ng sabaw ng coconut at naging sinbawang saging ang ending. Di ko talaga alam gumawa ng minatamis na saging that time kaya I'm so confident that RJ will like it kasi nga my friends helped me with it. Laking hiya ko ng di magustuhan ni RJ ang lasa, kahit ako di k nasikmurang kainin ang niluto ko. It's all a disaster at alam kong pinagtatawanan na ako ng mga friends ko. Bakit naman kasi late ko na na realize na kinukuntsaba pala ako ng mga friends ko para maging disaster ang plans for apology.

I had too much humiliation nah kaya I decided to find another friends. Buti I found friends na hindi nahumaling kay RJ, isang gay na malandi konti at tatlong girls na kaklase ko rin. Malapit din sila kay RJ pero I never felt being in a competition when it comes to RJ. At dahil sa mga bagong friends ko, na realize kong pag-ibig pala ang nararamdaman ko kay Rj. Pag-ibig na sana hindi naging disaster kong alam ko lang dalhin. I was the one to blame, kasi I never get interested about it before. Now I suffer the consequence of ignorance.

I believe Im too late to recover the mess that I did with RJ. Di na kami friends, Ayaw na nya akong maging friend. The worst part is I made him mad at me when I tried to make papansin to him during our Science Subject, Siya kasi ang naatasang mag draw ng human anatomy tapos ang diskarte ko ay bulok, kasi nga instead that I should appreciate his drawing sa blackboard eh pinintasan ko pa, nag walk out tuloy siya at ginulo ako nga tropa nya hanggang naiyak ako sa guilt at takot. Buti nalang at inawat nya mga tropa nya. Thanks to him kinilig ako kahit papano.

Naging invisible ako sa mga mata ni Rj for the whole high school life, I tried to ask forgiveness pero umiiwas na siyang kausapin ako. I even tried talking to him during sa retreat before graduation, me activity kasi na may limang upuan na naka circle tapos limang student na naka blind fold ang uupo while the rest of the students will circulate at kakausapin sa tenga ang taong gusto kausapin for a minute. Wa epek pa rin. Hai naku, I was doomed to be miserable talaga that time.  

Dahil nasa province kami, we need to go to Davao City para mag take ng entrance exam for college kaya naging hopeful ako na magkakausap kami ni RJ while travelling, I had the opportunity kasi na makasabay ang mga smart group sa section namin kasi kinulit ko parents ko. I am the last person na nakasaky sa Bus kaya I never thought na ang natirang upuan ay ang upuan ni RJ, it seems na takot ding tabihan si RJ ng mga plastik friends ko na mga smarts. I said to myself, OMG, this is my moment, kabado akong katabi siya kasi alam kong kami lang ang binabantayan ng mga classmates namin. I left a big space between us nng nagkatabi na kami, siguro dahil ma pride ako at ayokong makita ng mga plastik friends ko na i'm still drown to RJ. My father told me na susnduin nya ako sa Bus terminal sa Ecoland kay I remember na bawal pala akong kasama or katabi si RJ kasi galit si papa sa mga balitang narinig nya na mag on daw kami ni RJ. What can you expect sa Bayan na maliit right? And I can't do nothing kasi wala ng upuang iba at ayokong mag panic mas lalong ayokong magpatulong sa mga plastik friends ko. Pero nakaupo kami sa front seat ng Bus at makikita talaga kami, nag cross fingers nalang ako and prayed na sana everything will be alright. Nagalit pa rin si erpat pero atleast ako lang ang pinagalitan, i don't want RJ to know na kinakaya ko lahat dahil mahal na mahal ko siya.

After 3 years in College, Umuwi ako sa bayan namin for a vacation dala ang pag asang masilayan ko muli ang mahal kong si RJ. Di ako nabigo, I saw him one night sa park kung saan kami tumatambay ng mga kababata namin, Tanduay ang tirada, jejejejeje.....I said to myself, pagbibigyan ko ang sarili tonight, If I will see him, I will hug him and tell him that I long for him at nangyari nga pero ang di ko inaasahan ay ang sagot nya, He responded in deep whisper voice na "Jay pwede namang maging tayo pero wag dito sa atin, Sa Davao City tayo"...OMG, totoo ba ang naririnig ko? o baka lasing lang ako? In shocked, I let go from hugging him, my face is confused, and I became afraid, di ko alam kong saan, he said, "ayaw mo ba Jay?" pero di ko na nasagot kasi I just want to escape. Parang panaginip lang ang lahat. We never spoke with each other from then on. We meet in several occassions, parang Hi, Hellos and goodbye's lang kami. Nalaman ko nalang na nasa Digos City na siya nag school and Graduated in College. Iniwan nya ang Ateneo at ang Davao. When I had my OJT sa Digos City, nakita ko siya once with his girlfriend, I think His happy, at parang pinatay ako ng paulit ulit sa nakita ko. I heard he went to Japan for work, me anak na daw siya at wala na akong naririnig about him till now year 2010. I never stop loving him, maybe I never will, Everyone seemed to moved on, but I didn't, I had Boyfriends, I tried to forget, but I failed. I became a failure in relationships until now. Siguro epekto ito ng pagkakamali ko noon na di ko nagawang itama until now. 

I want RJ to know na sa kanya ko lang naramdamang magkaroon ng maraming emosyon. Na siya lang ang taong nakakagulo sa mundo ko, Na siya lang ang iniisip ko kahit iba ang kasama ko, na siya lang ang hinahanap ng puso ko hanggang ngayon. Limot ko na sana siya noon pa kung naging matagumpay lang akong limutin siya. I need to go on with my life kasi I know wala akong chance sa kanya knowing that I'm Gay and His a Straight Guy na meron ng anak at girlfriend. 

Minahal ko siya mula pa noong Second year High School hanggang ngayon, at siguro habang buhay, masaya ako na masaya na siya, na me kalalagyan na siya dito sa mundong ibabaw, at kontento na akong alalahanin ang mga alaala na siyang bumubuhay sakin ngayon, Mahal na mahal kita Rj, mahak na mahal.....At di ko malilimutang ikaw ang nagpatikim sakin ng Una at huling sibol ng Pag-Ibig. 

 

No comments:

Post a Comment