Followers

Follow Me On:

http://twitter.com/John24Chan And http://naturalbeautyfanatic.forumsmotions.com/forum.htm

Democracy is the theory that the common people know what they want and deserve to get it good and hard.

Think About It

Think About It

Wednesday, April 14, 2010

Personality Disorder or Your just Piss Off

Me kinaiinisan ka na bang tao? Yung inis na feeling mo you can't forgive that person kasi feeling mo di mo na matiis ang mga pinaggagawa nya sayo at sa mga taong mahal mo? Hanggang sa dumating ka sa point na di mo na mailabas ang inis mo kasi naiisip mong wag ng guluhin pa ng dati ng magulo. At naiisip mo ring wag nalang patulan kasi feeling mo bumababa ka sa kanyang level. Alam mo kasing kahit mag sumbong ka pa eh di ka rin pakikinggan at kaw pa ang lalabas na me kasalanan. Nakakainis diba?

Napag aralan namin yan sa Pyschiatric Nursing eh! Kapag daw me sama ka ng loob na tinatago mo sa dibdib mo at hanggang dumating sa point na di mo mailabas dahil sa sama ng loob mo ay nagiging disorder daw yan. Personality disorder ang bagsak mo pag di mo naisiwalat yang pangagalaiti mo. Ang taong di mailabas ang galit sa isang tao ay may tendency na gumawa ng displacement attitude( Ininilabas ang galit sa ibang tao bagay o hayop na alam mong di ka kayang patulan ). 

Nagiging Hostile ka daw ( Bigla nalang nagagalit, mainitin ang ulo at lahat nakakinis para sayo ) hanggang dumating sa point na gusto mo ng mag Isolate. Ayaw mo ng kumibo kasi ang inis mo eh hanggang lampas ulo nah. After Isolating yourself, nagiging Anti- Social ka, parang galit sa mundo at nawawalan ka ng pakialam sa paligid mo. Tuloy di mo alam, bumababa na pala self-esteem mo at nagkakaroon ka ng poor self-coping mechanism. Negativistic kana kasi, lahat nalang sayo dapat nasa tamang panlasa mom feeling o me kulang pa sa mga ginagawa mo at guilty ka sa mga kamaliang nagawa mo kahit di naman major faults lahat yung nagawa mo.

Hai naku, ang hirap maging tao minsan na ang sinusubaybay na daan ay ang kabutihan lamang ( atleast yan ang paniniwala mo ). Ano nga ba kasi ang dapat gawin pag me galit ka sa dibdib? Ang dali naman kasing sabihin na magpatwad diba pero ang hirap hanapin sa puso ang kasagutan lalo kung puno na ng pait at galit. Tuloy, marami ang di nakakapag isip ng mga simpleng paraan kung paano tanggalin sa sistema ang galit na yan at ng makapamuhay ng tahimik at stress free.

Ang alam kong pamaraan ng pagpapagaan ng damdamin ay ang mga sumusunod:

1.) dahil hindi sa utak nakatanim ang poot, kunin ang lakas at desisiyon sa isip. Think of things that makes you happy.
2.) pag me naisip ka ng bagay na nakakapagpapasaya sayo, gawin mong steppin stone yan. make it a habit to think happy things pag free time mo. That way, mawawaglit sa isip mo ang damdamin mo.
3.) You have your friends right? try mingling with them. makinig ka samga conversation nila, wag maging sentro ng usapan. Makinig ka lang tapos magsalita ka kung tinatanong ka. tumawa ka kung me nakakatawa at magpayo ka kung me maipapayo ka.
4.) Confide your emotions with a friend, yung totoong kaibigan mo. Let him/her listen to you. makikinig sayo ang taong totoong kaibigan. At ang advice ng totoong kaibigan ay para sa ikabubuti mo at ng kinakainisan mo. Di siya bias mag advice at wala siyang advice na ikasisira ng kalaban mo at pati sayo mismo.
5.) Relaxation Techniques: make yourself occupied with worthy deeds. Eat you fave foods. Window shop. read Books. Watch your fave movie or TV show. etc...gagaan ang loob mo sa ganyang mga bagay.
6.) Spend time with your family. Tingnan mo ang ginagawa ng bawat isa sa pamilya mo, you will see things you never appreciated before. Nakakagaan yan ng damdamin I promise.
7.) When your alone in your room or House ( Diyan madalas atakihin tayo ng inis right kasi we got to reminisce everything ) try to do deep breathing ( inhale and exhale ) close your eyes and think of beautiful things or might as well don't think at all. Leave your mind blank. Stare at the darkness of your closed eyes. Stay for at least 3 minutes that way. pag mulat mo aantukin kana nyan. Mag dim light ka before doing it okey.
8.) When you have a Boyfriend/Girlfriend, It's good to confide with them pero wag kag bias, kasi mas nadadagdagan ang galit mo pag you are being inconsiderate. Tell everything to him/her with moderation. Look on things on both side always. wag maging self-centered kasi you will end up as the villain sa kahit kanino even to your own family and BF/GF.
9.) When you get the chance or you always have the chance to see the one you hate, Don't force yourself to forgive him. One step at a time, Just open your heart for possibilities of reconciliation. It's easy to move on when you put that in your heart and mind.
10.) Always have time to PRAY. Never forget asking GOD for forgiveness and seeking of light in your heart for forgiveness to others. Through that way, nagkakaroon ka rin ng chance na arukin ang sarili mo sa mga bagay bagay na gumgulo sa isip at puso mo at the same time you are also knowing yourself.



Yan ang mga bagay na ginagawa ko sa sarili ko. That way, I will be free from hate and Self-Distruction. Tsaka nalalayo pa ako sa Personality Disorders. At nagkakaroon pa akong ng chance na kilalanin ang sarili ko pati ang kakayahan kong magpatawad at magkaroon ng Good Coping Mechanism. Nagagamit natin yan sa pang araw araw na buhay natin eh. At higit sa lahat, Mas lalong humihigpit ang hawak ko sa Panginoon.

No comments:

Post a Comment