Ang pamilyang buo ay dahil ang Ina ang nagtatali sa pundasyong tinayo ng Ama para silungan ng mga Anak.
Thursday, April 8, 2010
Do Mother's Knows Best?
According to Theorist, Mother's have big roles sa paglaki ng bata, sa amoy pa lang ng Ina, nakikilala na ng bata ang taong kanyang pinanggalingan. Sa Ina rin ginugol ng Bata ang kanyang buhay mula pagka panganak hanggang siya ay naging Pre-Schooler.
At dahil ang bata ay lumaki sa pangangalaga ng Ina, Sa Ina rin nagsimula ang pagbuo ng personalidad ng isang bata. Diyan natin nalalaman kung anong klaseng Ina ang isang ina sa pamamagitan ng pagkilala sa ugali ng kanyang anak. Ang personalidad ng tao kasi ay nagsisimula mula sa pagkabata, sa mga taong nagpalaki sa kanya at sa mga bagay bagay na itinuturo sa kanya at yan ang nadadala ng bata hanggang sa pagtanda.
Ng dahil sa teyoryang ganyan, naisip ko lang, Kung nagiging matigas ang ulo ng anak, ibig sabihin, merong kasalanan ang Ina sa pag-uugali ng anak. Kung naging mabait kasi ang bata hanggang sa paglaki, sinsabi natin sa Ina na ang galing mong magpalaki ng anak. Isang pagpapatunay lamang na ang pagiging Ina ay nangangailangan ng tamang kaalaman sa naturang obligasyon. Hindi lahat ng Ina ay magaling na Ina sa kanilang Anak.
Hindi ko hinuhusgahan ang mga Ina, Gusto ko lang ipaintindi na ang pagiging Ina ay hindi pagkakaroon ng kapangyarihan na alamin ang tama at mali sa kanilang mga anak. Na ang Ina ay tao ding natototo sa kanilang mga ginagawa sa pang Araw araw. Na hindi palaging tama ang lahat ng paniniwala at ginagawa nila sa kanilang mga anak.
Ano ba kasi talaga ang dapat na ginagawa ng Ina sa kanilang mga anak? Sa aking pagsisiyasat kasi, napag alaman kong ang Ina ay Simbolo ng pagkakaisa sa Pamilya. Hindi dapat nagkakaroon ng lamangan ng atensiyon sa mga anak. Tinatanggap dapat ng Ina ang anak, ano man siya at kung sino man siya ng walang pag aalinlangan at katanungan. Tingnan nyo ang palabas na ANAK ni Vilma Santos. Hindi mabait ang anak pero di rin naging maintindihin ang Ina. Ang kulang ay ang pagtanggap sa sitwasyon ng bawat isa. Ang Ina ang dapat siyang tumutulay sa pagitan nilang mag anak. At susunod ang miyembro ng pamilya kapagdaka.
Ang pamilyang buo ay dahil ang Ina ang nagtatali sa pundasyong tinayo ng Ama para silungan ng mga Anak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment